Skip to main content

History of PSFAMCDC

MAIKLING KASAYSAYAN NG PARISH OF ST. FRANCIS OF ASSISI

MEYCAUAYAN CREDIT COOPERATIVE

Ang PSFAMCC ay itinatag sa kalagitnaan ng taong 1993 matapos ang ilang mga pag seseminar. Ang pangunahing layunin ay matulungang maiangat ang sarili at matutong mag-impok at makatulong sa kapwa.

Ang unang pagpupulong na tumalakay sa pagbuo ng balangkas nito ay ginanap noong Oktubre 1992 kasunod ang ilan pang pagpupulong. Ang mga tumulong at tagapagsalita para maitatag ito ay sina FR. Ben Joyama ng Philippine Federation of Credit Cooperatives at Fr. Mar Arenas ng Parish of Holy Cross.

Ang PSFAMCC ay may kapahintulutan ng Cooperative Development Authority sa ilalim ng R.A. 6938. Noong simula ang nakakasapi lamang dito ay mga mananampalataya ng Paroya ni San Francisco de Assisi subalit sa nakitang pangangailangan di lamang ng mga katoliko, ito ay pinalawak at naging para sa lahat, Katoliko man o di katoliko.

Ang PSFAMCC ay kasapi sa Philippine Federation of Credit Cooperatives, Bulacan Federation of Credit Cooperatives at Meycauayan Cooperative Council.

Nagsimula sa paunang capital na ₱75,000.00, ng 15 incorporators na nagbigay ng ₱5,000.00 na katumbas sa tig-lilimampung (50) shares na halagang₱100.00 bawat share. Upang mapasimulan ang operasyon ay pinahintulutan ng Kura Parokya Msgr. Pablo Reyes na gamitin ang isang kwarto sa ilalim ng binuwag na Kursillo House.

Ang mga Cooperators ay ang mga sumusunod: Msgr. Pablo Reyes, Fr. Gaudencio Lopez, Jr., Fr. Rodelio Cristobal, Remedios Domigpe, Aniceta Floro, Floro Atadero, Rizalina Cruz, Marivic Mistica, Eleanor Floro, Remedios Ramos at Zenaida Sumulong.

Ang PSFAMCC ay pinangasiwaan ng boluntaryong pagtao sa opisina ng mga bumubuo ng mga Board of Directors, sali’t- salitan, tig-dadalawang oras kadabukas ng opisina. Upang tumakbo ang operasyon ng Kooperatiba, ang mga opisyales ang mga kauna-unahang nangutang hangang ito ay pagtiwalaan ng mga mananampalataya ng ating parokya. Pagkaraan ng isang taon, ay nakanayan Kooperatiba na kumuha ng isang empleyado hangang sa naging hangang lima sa loob ng anim na taon.

Ang PSFAMCC ay nagkakaroon ng taunang pangkalahatang pagpupulong sa dinadaluhan ng halos 70 to 80 % ng mga kasapi. Ito ay nakapaglilingkod sa mga kasapi sa pamamagitan ng pagbibigay ng Productive Loans tulad ng pang negosyo manufacturing, trading, transportation at iba pa.

Ang PSFAMCC sa darating pang panahon ay patuloy na maglilingkod sa mga kasapi para sa ikauunlad At ikakalawak ng serbisyo at puspusang itataguyod ng mga opisyales ang pangangasiwa nito.

Dahil sa kanyang “vision” o pananaw na ang pagkakarooon ng kooperatiba ang isa sa mga mahalaga At mabisang paraan upang maitaaas ang kalagayan sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan ng ating bayangMeycauayan. Ang kanilang itinatag na kooperatiba, na nagsimula ng operasyon noong Hunyo 6, 1993

Hindi tumitingin o namimili ng rellihiyon bagama’t ito ay itinatag ng mga taong nasa simbahan. Hindi rin ito Namimili kung mahirap o mayaman, ang paanyaya sa pagsapi ay bukas para sa lahat.

Ninais nilang sa pamamagitan ng maayos na pagtuturo/pagsassanay ay maimulat ang mga kasapi sa mga bagay na kanilang mapapakinabangan bilang aktibong kasapi nito, gayundin ang kanilang magiging pananagutan o obligasyon ditto. Binigyan-diin nila noong una pa man na ang kooperatiba ay hindi itinatag upang magkaloob ng “dole-outs” o bigyan-pala kundi ito ay isang kilos-tangkilikan at pagtutulungan para sa sama-samang pag-unlad ng kabuhayan. Sa ganitong pananaw, uunlad din pati ang mismong kooperatiba, na siya ngang naganap. Ganito ang kanilang bibigyang-diin sa Pre-Membership Seminar o PMES”.

Ang 15 kataong nabanggit ang nagtulong-tulong at nagsumikap sa pamamagitan ng tuwirang pag-aambagan para sa panimulang pahunan nitong kooperatiba. Kaya nakapagsimula ito sa puhunang ₱75000.00 lamang. Sila rin ang nagsakripisyo at nagserbisyo sa mga unang buwan ng pag-iral nito sa pamamagitan ng paghahati-hati ng oras ng “duty” at personal na paghahali-halili sa pangangasiwa hangang sa maupo ang unang “Manager” noong Enero 1994 na nagsakripisyo rin sa panunungkulan nang walang suweldo sa loob ng isang taon. Ang mga humaliling Tagapangasiwa ay tumanggap ng sweldo kasabay sa pagkita na ng kooperatiba. Silang 15 namumuno ang napakalaking dahilan upang ang PSFAMCC ay makarating sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Sa ngayon ang ating kooperatiba, Parish of St. Francis of Assisi Meycauayan Credit and Development Cooperative ay natatag noong 1993: naitala sa CDA sa Ilalim ng orihinal na CDA Registration #PGA-977 noong Abril 12, 1993 at nagsimulang maglingkod noong Hunyo 6,1993.Sinimulan ng Unang Tagapamahala na si Danilo Alcala ang pamamahala at nasundan pa ng tatlong Tagapamahala hanggang sa di sila nagragal kung kayat noong taong 1998 ay muling bumalik ang unang tagapamahala. Nagresigned si G. Danilo Alcala noong taong 2000 upang pamahalaan ang sarili nilang negosyo sa pamilya.At taong 2001 ng maupong Tagapamahala si Bb. Gina Aurea Germininao noon at umabot na ang kabuuang ariarian sa mahigit 12M. At noong taong 2003 ay lumahok ang PSFAMCC sa Gawad parangal na binibigay ng PCEDO matapos nyang paghandaan at palakasin ang mga kahinaan nito.

Nagkaroon ito ng bagong pagpapatala sa ilalim ng bagong batas RA#9520 noong Oktubre 20,2011 sa kanyang CDA Registration #9520-03002051. Mayroon siyang Cooperative Identification Number (CIN#0106030166) sa pangalan na PARISH OF ST FRANCIS OF ASSISI MEYCAUAYAN CREDIT AND DEVELOPMENT COOPERATIVE.

Mayroon siyang acronym o palayaw na “St. Francis of Assisi Coop-Meycauayan” at kasapi ng Philippine Federation of Credit Cooperatives (PFCCO), ang Pambansang samahan ng mga kooperatiba sa Pilipinas.

Sa ilalim ng PFCCO ay ang regional federation ng Central Luzon Regional League (CLRL). Ang kooperatiba ay kasapi din ng Bulacan Federation of Cooperatives (BUFECO); kapisanan ng mga kooperatiba sa Bulacan (KKB); at kapisanan ng mga Kooperatiba sa Meycauayan (KKM)

Ang ilang katawagang nakamit ng ating kooperatiba- Bulacan Hall of Farmer Cooperative ; Multi- Awarded Cooperative at Millionaire Cooperative.

  1. Gawad Parangal bilang isa sa natatanging kooperatiba ng taong 2003
  2. Most outstanding CETF contributor 2005
  3. Gawad Parangal bilang isa sa natatanging kooperatiba ng taong 2005
  4. Grand Champion in 2nd PESOS Olympics for ACCU-PFCCO 2006
  5. Gawad pagkilala sa mahuhusay na kooperatiba ng tong 2006
  6. Gawad pagkilala sa mahuhusay na kooperatiba ng taong 2007
  7. Parangal bilang isa sa natatanging kooperatiba ng taong 2008
  8. Gawad parangal bilang natatanging kooperatiba ng taong 2008
  9. Best Performance Award 2009 (COOP-PESO Performance)
  10. Gawad pagkilala sa mahuhusay na kooperatiba ng taong 2010
  11. Gawad Ginintuang Huwaran 2011
  12. Recognition bilang isa sa mahuhusay na kooperatiba sa Region III, 2014
  13. Coop ACE award noong 2016

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 125M ang kabuuang ariarian ng PSFAMCDC at patuloy pa ding lumalaki at tumatatag sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan nito. Patunay na ang samasamang pagkilos at pagsusunuran ang siyang susi sa tagumpay ng isang Kooperatiba.

Official Website of Parish St. Francis of Assisi Meycauayan Credit & Development Cooperative